Reaksyong Papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa KOMUNIDAD

Walang Ganun

            Malas. Ang malas ay ang sinasabing masamang kaparalan. Ngunit kung iisipin ang salitang malas ay para sa mga taong mangmang. Bakit? Simple lang, dahil walang malas sa mundong ito masyado lang talagang makitid ang utak ng nakararami. Kaya’t habang dumarami ang naniniwala mas lalong tumitibay ang paniniwalang tungkol sa malas.

            Ang mga ganitong paniniwala ay karaniwan sa mga komunidad. Marami ang naniniwala kaya’t patuloy itong yumayabong. Sabi nga nila, wala namang masama kung maniniwala ka, hindi mo naman ito ikamamatay. Ngunit mali ang ganito, dahil kapag umaasa ka sa swerte at malas walang mangyayari sa iyo. Ang kinabukasan mo ay hindi tungkol sa malas kundi nasa sipag at tiyaga iyan upang marating magandang bukas.

            Sa aking nabasang kuwento na “Sa Bayang Walang Punerarya” sinasabi na malas daw ang negosyong punerarya ka walang ganun sa kanilang lugar. Kapag may namamatay binabalutan nila ito ng kung anumang pwedeng ipambalot gaya ng banig at pinapaanod sa dagat.

            Iba-iba ang pananawa natin sa buhay, minsan tama minsan hindi. Sa isang komunidad iba’t ibang tao ang nakakasalumuha natin, mayroon diyang grupo ng tsismosa, mga lasinggero, mga sugador, at ang mga mapamahiin. Upang mamuhay ng mapayapa kailangan nating makisalamuha at makisama sa mga taong kasama natin sa ating tinitirhan.

            Gaya nga sa kuwento, ang sabi nila malas ang punerarya kaya ito ang pinaniniwalaan ng lahat. Siguro may mga iba na hindi naman talaga sang-ayon sa ganung ideya. Pero naki-ayon na lang para iwas gulo at komplikasyon.

            Masyado silang nakatuon sa kamalasan. Nawala na sa kanilang isip ang proseso ng paglilibing. Nakapaimportanteng sa isang lugar na isalang-alang ang paglilibing sa isang patay. Dahil ito ay pagpapakitang binigyan mo ng kapayapan ang isang patay.


            Ang mga hindi inaasahang pangyayari sa ating buhay gaya ng pagsubok ay hindi dahil sa kamalasan. Kundiman ito ay nakatakdang mangyari sa atin. Hindi natin ito maiiwasan. Matuto tayong tingnan ang bawat angulo. Isipin natin kung gaano pa rin tayo kapalad sa kabila ng mga nangyayari sa atin. Yakapin mo ang bawat karanasan, sikaping maging positibo gaano man ito ka negatibo.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento