Reaksyong Papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa PAMILYA

Sandigan

            Pamilya. Ang pamilya ang pinakamahalagang pundasyon ng buhay. Dito natin unang naranasan ang dakilang pagmamahal. Ang kauna-unahang paaralan kung saan tayo ay natutong makisalamuha sa ibang tao. Pamilya ang ating kasangga sa lahat ng bagay. Iwanan ka man ng lahat, mananatiling aagapay ang pamilya sa iyong tabi.

            Ang kuwentong nabasa ko na pinamagatang “Ang Shelter” ay tungkol sa pamilyang sinubok ang katatagan. Ang Shelter na sinasabi dito ay isang bahay-ampunan. At iyong nanay sa kuwento ay dinala ang mga anak sa shelter. Siyempre nalungkot ang mga anak dahil nagkahiwalay-hiwalay sila. Ngunit sa huli naging masaya sila dahil binalikan sila ng nanay nila.    
       
            Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya. Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pag-subok sa buahy. Mga pag-subok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon ng isang nagkaka-isang pamilya.

            Iba-iba ang pamilyang mayroon tayo dito sa lipunan. Ngunit kahit magkakaiba iisa lang naman ang layunin, ang magmahalan at magka-isa. Dahil ang ang pamilyang nagmamahalan at nagkakaisa ay mahalagang isaalang-alang upang malutas ang bawat pagsubok na darating.

            Lagi nating isipin na ang pamilya ang humubog sa atin kung ano man tayo ngayon. Sila ang pinanghuhugatan ng lakas kung tayo man ay mahina at dumaranas ng pigahti. Sila ang parating nandiyan upang iparamdam sa atin na hindi tayo nag-iisa. Bagkus andiyan sila na handing saluhan tayo sa hirap man o ginahawa.

            Yan ang pamilya nanatiling matatag hanggang sa huli. Pamilyang pina-titibay ang pundasyon sa kabila ng kahirapan. At nagtatagumpay dahil sa pagtutulungan at pagmamahalan ng bawat isa.


            Ang pamilya ang pinakamahalagang pundasyon ng buhay. Kung wala sila, mas lalong wala ka rin. Ang ating pamilya ay parang daigdig, sandigan ng buhay, puso, at pag-ibig.   

Mga Komento

  1. Malupit talaga ito

    TumugonBurahin
  2. Anu Ang katangian at kabuluhan sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig? Patulong Po thanks

    TumugonBurahin
  3. MODYUL 5
    Panuto: Sumulat ng reaksyong papel sa iyong binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito na binubuo ng
    anim na saknong (6). Mababasa sa itaas ang halimbawa sa pagsulat ng reaksyong papel

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post