Bangungot
Isang gabi mayroong pinuntahan sila mama. Isa atang
kakilala na nagpahanda dahil balikbayan. Dahil tinatamad akong pumunta hindi
ako sumama. Kaya naiwan ako mag-isa sa bahay namin. Hind naman ako natatakot
dahil hindi naman ako naniniwala sa multo. Kaya okay lang sa akin. Pero hindi
nagtagal nagsisi ako sa desisyon ko.
Makalipas
siguro ang ilang minutong pagka-alis nila. Doon ko naramdaman ang nakakabinging
katahikan. Dahil di ko trip manuod ng T.V andun lang ako sa kwarto nagbabasa. Habang
natatawa ako sa binabasa, biglang humangin ng malakas. Talagang rinig na rinig
ko ang pagaspas ng hangin. Siyempre nagulat ako. Tapos maya maya ulit nakarinig
ako ng nakakatakot na tunog, yung tunog ng piano na nakakatakot yung parang
nasa mga pelikula (yung tunog pala nay un ay galing sa alambreng naka-suporta
sa antenna ng wifi namin). Sa sobrang gulat ko nabitawan ko yung cellphone ko. Hindi
ko na talaga kinaya nun kaya nagdasal ako, nagtalukbong ng kumot at pinikit ang
mga mata. Pero wala pa rin dahil maya’t maya kung ano anong tunog na ang
naririnig ko. Naiiyak na ako sa takot noong mga oras na iyon. Hanggang sa
sumagi pa sa isip ko yung tsismis ng mga kapitbahay namin na pagala-gala ng
gabi si Sindung. Yung baliw sa lugar namin. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko. Ang
hirap pala ng ganung sitwasyon. Hindi ko kinaya. Kung akala mo tapos na hindi
pa. Dahil makalipas ang ilang sandali may biglang kumatok sa pintuan namin ang
lakas. Napasigaw na ako noon. Grabe di ko na alam mararamdamn ko noon. Hanggang
sa nagsalita yung kumatok, kasambahay pala namin. Pinagbuksan ko siya at
nakahinga ako nang maluwag. Hay sa wakas!
Doon ko
napatunayan na mas nakakatakot pala ang sobrang tahimik na paligid, nakakabingi.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento