Reaksyong Papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa DAIGDIG
Halaga
Kulang ang salitang malawak upang ilarawan ang daigdig.
Ang daigdig na siyang tirahan ng lahat ng may buhay. Ang kaisa-isang tahanan ng
mga taong tulad ko at tulad mo. Tahanang may maipagmamalaking ganda sa bawat
sulok nito. Anyong-lupa man o anyong-tubig, kahit ano pang anyo yan tiyak na
hahanga ka sa taglay nitong ganda.
Sa kuwentong “Balkonahe” ito istorya ng babaeng
nahumaling sa isang matipunong lalaki na kanyang kapitbahay. Nahumaling siya
kahit mayroon naman siyang karelasyon. Gayunpaman, isang araw ay na-lock mula
sa loob ang kanyang unit kaya’t kamatok siya sa kanyang kapitbahay na lalaki at
tinanong kung pwede bang makidaan siya sa balkonahe kasi ito ang pinakamalapit
at dahil naiwan namang nakabukas ang kanyang bintana sa kanyang balkonahe pwede
siyang makapasok sa pamamagitan nito. At sa inaasahan, tumanggi iyong lalaki.
Sino ba naman ang magpapasok sa hindi mo kakilala diba?
Doon sa kuwento, pinapakita na hindi lahat ng inaasahan
natin sa isang tao ay ganoon na lahat. At pinapakita doon na kailangan nating
makuntento sa anumang mayroon tayo. Bakit pa tayo maghahangad na iba kung
mayroon naman na. Ang kailangan natin ay pahalagahan ito habang nasa atin pa.
Dahil kung naging pabaya ka at iniwan ka ng kaisa-isang nagpapasaya sa iyo,
tiyak magsi-sisi ka.
Pagmasdan mo ang iyong paligid. Buksan mo ang iyong mata
at tignan ang bawat tanawin na nagtataglay ng labis na ganda. Ngunit bakit
ganun sa bawat paglipas ng panahon ay ganun din kabilis magbago ang ating
daigdig. Napapansin mo ba na ang dating kulay berdeng kapaligiran ay unti-unti
nang naglalaho, ang bughaw na kalangitan ay nangingitim na dala ng samut-saring
usok at ang sariwang hangin na napuno ng iba’t ibat kemikal dahil sa karumihan.
Ang daigdig ay pinagkaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay
mabuhay. Ngunit ano ang ginawa natin? Pinabayaan natin ito at nahumaling tayo
sa kamodernohan ng mundo. Oo nga’t napakaganda sa mata ng mga naglalakihang
gusali at mga sasakyang nakaka-aliw. Pero ang kapalit naman nito ay ang
pagkasira ng ating daigdig.
Makuha mo pa kayang tumawa o ngumiti man lang? Pag
nalaman mong dahil mismo sa kapabayaan mo ay maglalaho na rin ang daigdig. Ang
daigdig kung saan ka mismo nabubuhay.
Itatak natin sa ating mga isipan na kapag hinayaan nating
mawala ang ating daigdig ibig sabihin niyan ay mawawala din tayo. Kaya matuto
tayong pahalagahan at mahalin ang mga bagay na ipinagkaloob sa atin dahil
malaki ang halaga nito sa ating buhay. Huwag mo nang hintayin na mismong ikaw
ay masaksihang maglaho na lang na parang bula ang daigdig.
Reaksyong papel na ayon sa kabuluhan at katangian nito ayon sa bansa at daigdig
TumugonBurahin