Reaksyong Papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa BANSA
Larawan
ng Realidad
Namumuhay tayo sa ayon sa pamamalakad ng lider ng ating
bansa. Kilala bilang ating gobyerno. Ang pamamalakad na minsa’y mainam ngunit
madalas hindi maintindihan. Hindi mo na mawari
ang nangyayari sa ating paligid. Nakabubuti pa nga ba o nakakasama na sa
sinasakupang bansa kung saan libo-libong buhay ang nakataya.
Napakabigat nga naman na responsibilidad ang maging lider
ng isang bansa. Dahil nakasalalay sa kanila ang buhay ng bawat mamamayan.
Kaya’t ang pagdi-desisyon ay napakabigat.
Sa kuwentong “Birthday” nabigyang diin ang ang realidad
ng isang bansa. Hindi man literal na nabanggit ngunit para sa akin iyon ang
mensahe ng kuwento. Ito ay tungkol sa isang Ginang na nag-birthday. Ininbitahan
niya ang lahat sa kanilang purok dahil ayon sa kanya ito ang unang beses na maghahanda
siya. Pumunta nga ang kaniyang mga kapitbahay at humanga sa kanyang pagluluto
dahil ito ay masarap. Ngunit nagtataka sila dahil wala ang kanyang asawa at mga
anak. Hanggang sa napdpad ang kaniyang dalawang kapitbahay sa kanilang kusina
at binuksan ang refrigerator at
nangimbal sa nakita dahil andoon ang ulo ng kanyang mag-anak.
Minsan akala natin makakabuti para sa atin ang ginagawa
iyon pala galing sa masama. Nabubulag tayo sa sarap at ginhawang nararanasan
naitn. Hindi natin alam namumuhay na pala tayo sa maling direksyon.
Kung magpapatuloy ang baku-bakong pamumuhay. Saan kaya
hahantong ang ating kinabukasan? Walang may ideya. Dahil mahirap intindihin ang
takbo ng buhay lalo pa’t wala tayo sa tamang landas.
Sino nga ba ang may kasalanan, ang gobyerno o tayo rin
mismo? Kung matalino ka, tama ang sagot mo. Parehas na may kasalan ang dalawang
nabanggit.
Ang ating gobyerno, dahil sa labis na kasakiman sa pera,
tayo ang naghihirap. Imbes na gawan nila ito ng paraan upang ang lahat ay
makinabang at mamuhay ng mahusay at mainam mas pinipili nilang gumawa ng maling
desisyon. Ang kasalanan naman natin bilang mamamayan ay wala tayong ibang
ginawa kundi i-asa at i-sisi ang lahat sa ating gobyerno. Hindi ba’t may mata tayong
kayang makita ang tama, may tenga na kayang makinig sa ginuntuang aral, may
boses na kayang ipaglaban ang nararapat at may paang kayang tahakin ang tuwid
na daan.
Ang bawat isa sa atin ay may magagawa tungo sa pagbabago.
Pagbabagong maghahatid sa atin sa isang masarap at mainam na pamumuhay.
Pamumuhay na walang halong kasamaan kundi purong kabutihan lamang.
Penge sagot na reaksyong papel
TumugonBurahin