Kababawan nga Naman (Reflection)



·    "We are shallow because we don't read."
Sa mataas na pagtingin natin sa ating mga sarili mas nagiging mababaw tayo. Kung ano lang ang alam natin ay iyon lang ang pinaninindigan. Hindi natin alam may kaakibat pala itong malalim na pang-unawa.
Nagmumukha tayong mang-mang dahil sa ating katamaran sa pag-babasa. Halimbawa sa mga balita, kung ano lang ang nakita o narinig ay iyon lang ang paniniwalaan. Nanghuhusga na agad tayo kahit kakarampot lang na datos ang alam natin. Hindi natin inaalam ang buong kwento.
Minsan mas nakakatakot ang babahagyang o kaunting impormasyon kaysa sa malawak na impormasyon. Ikakapahamak natin ang munting impormasyon na hawak. Kaya't kung hindi mo alam ang buong kwento, manahimik ka nalang o di kaya'y magbasa ka para hindi ka tata-tanga.
Malayo ang mararating natin sa ating pag-babasa. Ibuhos mo ang oras mo sa mga bagay na may kabuluhan. Wala namang mawawala kung magbabasa ka bagkus magkakaroon ka pa ng kaalaman. Kaalaman na makakatulong sayo upang hindi ka mag-mukhang mang-mang.
Tayong mga Pilipino ay mahilig mag-conclude. Hindi natin ginagamit ng tama ang ating mga isip. Dada lang tayo ng dada kahit wala namang basehan ang mga sinasabi. Mahirap ang walang alam ngunit mas mahirap naman may alam nga ngunit hindi kompleto ang datos. Katulad na lang ng isang tsismis. Sa bawat pagkalat nito, iba't iba na ang bersyon na naisiwalat. Hindi na tama ang bawat naipapasa. Kaya't sa huli mapapahiya ka lang.
Hindi natin hinahalungkat ang mga impormasyon na dapat nating mabatid. Kung ano ang inihain ay iyon agad. Minsan kailangan mo rin alamin kung ano ba ang inihain sayo. Hindi yung sunggab agad. Mas nakabubuting alamin ang pinaka-ugat nito.
Ang pinakamabisang aksiyon upang maiwasan ang pagiging mababaw natin ay ang pag-babasa. Simple lang na bagay ngunit malaking pag-babago ang maidudulot. Lagi nilang sinasabi na simulan sa sarili. Isipin mo itong mabuti dahil ito ang nararapat sa pagtahak ng unang hakbang sa pag-babago. Pagbabagong wawasak sa pagiging mababaw.

Mga Komento